Dear Pastor Edward,
Thank you so much for remembering us in your prayers. Yes, medyo magulo na po talaga ngayon dito, especially today na-inireport na namatay na daw yong leader ng "Red shirt" na nabaril at naospital last week. We don't know kung ano na naman ang gagawin ng mga "Reds".
But we, together with the Thai church and Filipino friends here, also continue to pray and intercede for Bangkok and their leaders. God has His purpose kung bakit na-allow na mangyari ang ganito sa Thailand.
Dito po sa tinitirahan naming village ay medyo tahimik lagi. wala laging tao dahil most of the residents ay nasa "rally". Known po kasi ang village namin na supporters ng "Reds" kaya kahit medyo malayo kami sa center ng demonstrations ay strictly imposed ang curfew at ang gathering in small groups of 5, tsaka lagi may police na nagpapatrol sa maliit na village. Well, napabuti na rin kasi natahimik lalo ang neighborhood. For now, we hold prayer meetings and our small group gatherings sa church muna para iwasan question sa mga kapitbahay. Okey lang naman magtravel from here to church kasi di naman malayo.
Just last weekend, nagpunta kami ng Pattaya para mag visit at mag attend sa birthday ng isa sa mga kapatiran duon. Kahit duon na medyo malayo na talaga sa gulo ng Bangkok, pero so much affected na rin sila. We were told na marami na rin nag close na establishments at may mga kapatiran na nagsi-uwi dahil nawalan na ng trabaho. Kumonti na rin mga foreigners na dumadating at kung hindi nawalan ng job binawasan ang mga working hours nila.
Pagbalik namin ng Bangkok yesterday, we were greeted with so many check points sa hi-ways papasok ng Bangkok. Pero sa biyaya ni Lord maayos lang naman kami nakarating sa bahay. And yesterday morning, Edsel was told na nausog ang start ng klase sa Bangkok for another week. Dapat kasi balik school na sila today, pero dahil sa gulo, inusog ang opening ng classes sa mga shools ng Bangkok. Nagbigay din ang Bangkok Pilippine embassy ng advisory na huwag daw lumabas labas ng bahay muna, kasi medyo magulo na nga sila talaga ngayon.
Kaya po salamat ng marami sa mga prayers. Kamusta po sa lahat ng kapatid dyan sa WIN-Al Ain. God Bless po.
-------------------Bambie, Edsel and Ciara
No comments:
Post a Comment